APAT NA URI NG KLIMA SA CANADA Mga kababayan muli ako po ay naririto upang magbigay ng kaunting impormasyon patungkol sa apat na klima ng bansang Canada. Halos ang iba sa kababayan natin ay mayroong Ideya kung ano nga ba ang klima meron ang Canada. Pero wag po kayong mag-alala dahil sa mga hindi nakakaalam at hindi pa nakakarating sa Canada upang masaksihan ang panahon dito, halina po kayo at makinig sa aking ibabahaging impormasyon. Ang Canada ay isang bansang may apat na natatanging panahon—spring, summer, fall, at winter—at bawat isa ay may sariling kwento, kulay, at hamon. Bilang isang Pilipinong lumipat dito, hindi lang basta pagbabago ng klima ang nararanasan ko, kundi pagbabago rin sa sarili. Sa bawat paglipas ng panahon, may bagong aral, bagong pakiramdam, at bagong pag-unawa sa buhay sa ibang bansa. Sa pagtalon mula sa init patungo sa lamig, mula sa liwanag patungo sa katahimikan, natutuklasan ko kung paano hinuhubog ng apat na klima ang aking paglalakbay bilang isang imi...