Ano-ano nga ba ang apat na klima ang meron ang Canada at paano makakasabay sa ganitong kondisyon?


APAT NA URI NG KLIMA SA CANADA

 Mga kababayan muli ako po ay naririto upang magbigay ng kaunting impormasyon patungkol sa apat na klima ng bansang Canada. Halos ang iba sa kababayan natin ay mayroong Ideya kung ano nga ba ang klima meron ang Canada. Pero wag po kayong mag-alala dahil sa mga hindi nakakaalam at hindi pa nakakarating sa Canada upang masaksihan ang panahon dito, halina po kayo at makinig sa aking ibabahaging impormasyon.

Ang Canada ay isang bansang may apat na natatanging panahon—spring, summer, fall, at winter—at bawat isa ay may sariling kwento, kulay, at hamon. Bilang isang Pilipinong lumipat dito, hindi lang basta pagbabago ng klima ang nararanasan ko, kundi pagbabago rin sa sarili. Sa bawat paglipas ng panahon, may bagong aral, bagong pakiramdam, at bagong pag-unawa sa buhay sa ibang bansa. Sa pagtalon mula sa init patungo sa lamig, mula sa liwanag patungo sa katahimikan, natutuklasan ko kung paano hinuhubog ng apat na klima ang aking paglalakbay bilang isang imigrante. Ito ang mga panahon na hindi lang nakikita, kundi nararamdaman.

Ang Canada ay bansa sa Hilagang-Amerika. Dalawa ang ginagamit nilang wika, ito ay ang English at Pranses. Dito sa bansang Canada, halos ng lupain ay nasasakop ng kagubatan at puno. Masasabing tahimik kung sa tahimik na lugar lamang ang hanap ninyo. Malamig ang panahon sa Canada dahil sa niyebe o sinasabi nilang snow (in english). Ano ano nga ba ang apat na klima ang meron ang Canada?

Ang apat na klima o temperatura ng Canada ay ang sinasabing:

1. Tag-sibol o Spring

2. Tag-araw o Summer

3.Tag-lagas o Fall

4. Tag-lamig o Winter

- Ang tag-sibol o spring 

Na sinasabi ay ang early Canada's west coast. Dito nagsisimulang sumibol ang mga halamang tulips, daffodil at lilacs na nagdadala ng sariwang samyo ng hangin. Nagsisimula ang tagsibol sa buwan ng March hanggang May. 


- Ang tag-araw o summer

Sa Canada nag-uumpisa sa buwan ng Hunyo hanggang Agosto. Ang klima ay mainit ngunit minsan ay katamtaman ang panahon. Halos lahat ng mga tao rito ay inuumpisahn i-enjoy ang summer season dahil maikling panahon lang nila mararanasan ang ganitong excitement. People do travel a lot to enjoy the climate , riding a bike, hiking, swimming, jogging and walking. Dito rin nag-uumpisa na magpagandahan ng kani- kanilang backyard at mag-gardening. Dahil panahon ng mga bulaklak, marami sa mga tao nahihilig sa mga flower pot na may ibat-ibang uri ng mga bulaklak.




- Taglagas o fall (autumn)

Kapag sumapit ang panahon na ito, dito mararanasan ang pag sisimula ng klima na sobrang lamig, at nagiging pangkaraniwan na sa taglagas ang pasulpot sulpot na pag-ulan. Buwan ng September hanggang November nagsisimula ang taglagas. Mapapansin na ang mga dahon sa mga puno ay unting naglalagas na tanda na kasunod ngito ay taglamig o tinatawag na winter. Makikita rin na ang mga kapaligiran ng kabahayan ay napupuno ng mga laglag na lantang dahon.



-Taglamig o winter 

Ay panahon na nagsisimula ang sobrang lamig ng temperatura na may kasamang niyebe o snow. Sa taglamig ang buong kapaligiran ay natatakpan ng niyebe, wala kang makikita kundi puri puti at maulap na mahamog. Ito ay nagsisimula sa buwan ng disyembre hanggang Pebrero. Kadalasan napapaaga ang umpisa ng taglamig sa buwan ng Nobyembre. May pagkakataon na umaabot sa freezing point ang temperatura sa ibang bahagi ng Canada. Pagdating ng buwan ng Pebrero, asahan ang malalim na yelo na dadaanan sa bawat kalsada. Eight inches or more snowfall sa karamihang bahagi ng Canada. Sa panahong taglamig, lahat ng mga tao ay nanatili sa loob ng bahay lalo na ang mga eldery para maiwasan ang sinasabi nilang frostbite o yung mga paninigas sa balat or other tissues na apektado ang daliri sa paa o kamay, ilong, pisngi, mata at baba. Lahat ay nagsusuot ng 3 layers cover up for winters. Hibernation ang term sa ganitong sitwasyon, dahil lahat ay nagtatago sa kani kanilang bahay upang mainitan, ganun din sa mga hayop.


 Ang apat na klima ng Canada ay hindi lang pagbabago ng panahon — ito rin ay simbolo ng mga yugto ng buhay ng isang Pilipinong lumalaban sa ibang bansa. May mga panahong magaan, may panahong mabigat, may panahong puno ng kulay, at may panahong malamig at tahimik. Pero sa bawat pag-ikot ng panahon, may natututunan, may lumalalim, at may tumitibay. Maraming salamat sa pagdaan dito. Sana sa pagbabasa mo, nakita mo rin ang sarili mong kwento sa apat na panahong ito


Sana po nabigyan kayo ng linaw kung ano nga ba ang klima o temperatura ng Canada. At batid ko pong may natutunan kayo sa panibagong paksa na ito. Maraming salamat po sa inyong lahat nawa'y pagpalain tayo ng buong may-kapal. 




 


Comments

Popular posts from this blog